Sumulat Ng 280 Or More Words, Ng Imbensiyon Na Napabago Ang Bansa
Sumulat ng 280 or more words
ng imbensiyon na napabago ang bansa
ANG TEKNOLOHIYANG LUBHANG NAKAPAGPABAGO SA MUNDO Ang pagbabago ay ang laging nagiging epekto ng teknolohiya. Ngunit mayroong ilang mga pagtutuklas at imbensyon ang higit na nakapag-iwan ng malalim na epekto kaysa sa iba. Ito ay ang mga imbensyon at pagtuklas na mabilis at radikal na nagpabago sa pamumuhay ng tao mula sa panahon na sila ay maipakilala hanggang ngayon. Ito rin ay ang mga teknolohiyang nagbigay-daan para sa ibang imbensyon at pagtuklas. Ang nasa ibaba ay ilan sa mga teknolohiya lubhang nakapagpabago sa mundo. Alamin kung paano nito mas napagaan ang buhay at nakapagpahusay ng mga gawain. Gulong (3200-3500 B.C.) Hindi natin alam kung sino ang pasasalamatan sa pag- imbento ng gulong, ngunit isipin kung ano ang magiging anyo ng mundo kung wala ito. Walang mga bisikleta, walang mga roller blades, walang mga kotse, at walang mga bus. Noon, ang tao ay naglalakad ng pagkahaba-habang distansya upang makarating mula sa isang lugar patungo sa iba. Ngunit sa pagpapakilala ng gulong, ang tao ay nakararating na sa mga malalayong lugar sa mas maikling panahon. Hinahayaan nito ang tao noon (at hanggang ngayon) na gumawa at maglakbay nang malayo mula sa kanilang mga tahanan. Imprenta (mga 1450) Anong pinakamakapal na aklat ang iyo nang nakita o nabasa? Naiisip mo ba na maisulat ang lahat ng nilalaman ng aklat sa pamamagitan ng kamay? Noong unang panahon, ganoon talaga ang kanilang ginagawa. Oo, kinokopya nila ang buong aklat sa pamamagitan ng sulat kamay upang makagawa ng isa pang kopya nito. Hanggang sa ang imprenta ay naimbento noong mga 1450. Isipin mo lamang ang dami ng gawain na naisalba ng imbensyon na ito. Ang imprenta ay isang makina na nakapagpapabilis ng proseso ng paglilimbag ng mga aklat. Si Johannes Guttenberg, isang negosyanteng mula sa Alemanya, ang sinasabing nakaimbento ng imprenta noong kaagahan ng mga 1450. Ang makina ni Guttenberg ay gumamit ng mga indibiduwal na mga letra at metal na inukit na maaaring igalaw o iposisyon sa bawat pahina ng isang aklat. Pagkatapos ay papasadahan ito ng tinta sa mga letra at ididiin sila sa papel. Ang teknolohiya ay kagaya ng nangyayari kapag gumagamit ng stamp pad. Sa maraming siglo, ang simbahang Katoliko ang nagpaparami ng mga aklat na makukuha sa mga panahong iyon sa pamamagitan ng pangongopya sa pamamagitan ng sulat kamay.
Comments
Post a Comment