Paano Mag Takda Ng Mithiin Halimbawa?

Paano mag takda ng mithiin halimbawa?

Ang pagtatakda ng mithiin ay nakadepende kung kailangang pag-ukulan ng maikli o ng mahaba-habang panahon.

Ang isa ay nais na makapagbakasyon sa isang magandang isla sa Pilipinas. Napili niya ang Palawan. Kailangan niyang alamin ang magiging budget, bahay-tuluyan at iba pang kailangang dalhin gaya ng swimsuit. Aalamin niya ang mga package options para sa biyahe at mga tour doon. Kakausapin din niya ang mga nais niyang makasama at pag-uusapan ang mga ito. Pero kung gagawin niya ito ngayong nalalapit na ang bakasyon, ibig sabihn dapat hindi problema ang budget. Ang iba ay nagpa-plano ng 2-3 buwan bago ang kanilang bakasyon. Pero kung nakikita niyang may solusyon ang budget, puwede naman.

Iba naman ito sa isa na nais maging doktor, nurse, abogado at iba pang propesyon. Mahaba-habang panahon ito. Uupuan niya ang kaniyang kakayahan sa pinansiyal at ang mismong mga opurtunidad para sa scholarship. Kakausapin din niya ang magulang niya para sa pipilling paaralan, bahay-tuluyan at iba pang gastusin. At sa bawat semester, kailangan niyang takdaan ang sarili niya ng time management, financial security at ang grades niya kung pasok sa minimum requirement para manatili sa kurso. Kailangan din niyang ayusin ang study habit niya.

Ito ay ilan lamang sa pagkakaiba ng mithiin depende sa panahon na kailangang gugulin.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Dumalaw Sa Gunita Ni Simuon Nang Siya Ay Makauwi Na?

Dito Sa Ating Bansa Ang Pagtataka Ng Paper Mache Making Ay Nag Simula Sa??, Ano Pleasseeeeee I Need Your Help Today!! Good Bless Thank So So Much God