Mga Tauhan Noli Me Tangere Kabanata 8
Mga tauhan noli me tangere kabanata 8
Kabanata 8 - Mga Ala-ala ng Lumipas
Tauhan:
*Crisostomo Ibarra- binatang nag-aaral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
*Kapitan Tinong- naparusahan sa pakikipagkaibigan kay Juan Crisostomo Ibarra.
*Padre Damaso- isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon.
Tagpuan:
* Daang patungong San Diego
*Hardin Botanika
*Intramuros
Buod:
Ang kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.
Comments
Post a Comment