Mga Tauhan Ng Noli Me Tangere Kabanata 64
Mga tauhan ng noli me tangere kabanata 64
Noli Me Tangere:
Kabanata 64: Katapusan
Ang mga tauhan sa kabanatang ito ay sina:
- Don Tiburcio
- Donya Victorina
- Kapitan Tiyago
- Maria Clara
- Padre Damaso
- Padre Salvi
- Tiya Isabel
Si Don Tiburcio de Espadaña ay kinilalang manggagamot ng mga taga - bayan ng San Diego. Sa kabanatang ito ay namaalam na siya sa pagiging doktor dala ng labis na katandaan. Wala na siyang mga ngipin at hindi na rin nakakapaghanap - buhay.
Si Donya Victorina de Espadaña ay ang mapagbalatkayong kabiyak ni Don Tiburcio. Siya ay nagtrabaho bilang kutsero upang buhayin ang kabiyak sapagkat hindi na ito nakakapaggagamot.
Si Kapitan Tiyago na amain ni Maria Clara ay naging malulungkutin, palaisip, at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Kung dati ay namimintakasi sa mga santo ngayon ay halos limot na. Madalas ay naglalaro ng sabong at humihithit ng marijuana. Maging ang kanyang kalusugan at kabuhayan ay kanyang napabayaan.
Si Maria Clara ay pumasok sa kumbento bilang tugon sa pag - alis ni Ibarra. Inilahad niya ang katotohan kay Ibarra ukol sa kanyang kasaysayan at pagkatao. Napilitan siyang talikuran ang kanilang pag-iibigan alang - alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang.
Si Padre Damaso, ang tunay na ama ni Maria Clara ay nanirahan sa Maynila. Inilipat siya sa isang malayong probinsya at doon nalagutan ng hininga na ayon sa doktor ay bunga ng sama ng loob o bangungot.
Si Padre Salvi na naging kapalit ni Padre Damaso bilang kura ay naghihintay ng ang pagiging obispo. Pansamantala siyang nanungkulan sa kumbento ng Sta. Clara na siyang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.
Si Tiya Isabel na pinsan ni Kapitan Tiyago at dating tagapag - alaga ni Maria Clara ay namuhay na mag - isa matapos na iwan si Kapitan Tiyago bunga ng kanyang mga bisyo.
Keywords: katapusan, Noli Me Tangere
Buod ng Noli Me Tangere: brainly.ph/question/110326
#LetsStudy
Comments
Post a Comment