Kapag Hindi Ginawa Ang Mga Takdang Aralin Sa Panmatagalang Epekto
Kapag hindi ginawa ang mga takdang aralin sa panmatagalang epekto
Ang madalas na hindi paggawa ng takdang aralin ay maaring magkaroon ng ibat-ibang epekto sa isang mag-aaral. Isa sa mga sukatan ng kasipagan ng isang mag-aaral ay ang kanyang paggawa ng kaniyang mga takdang aralin at mga proyekto. Ang hindi paggawa ng mga ito ay nagpapakita ng katamaran at pagiging iresponsable ng isang mag-aaral. Ang ganitong ugali ay maaring makaapekto sa iyong hinaharap. Bakit? dahil sa ganitong pamamaraan maari kang maging tamad sa iyong buhay lalu na kung paulit-ulit itong ginagawa. Maaring ngayon ay hindi mo pa nararamdaman ang masamang epekto nito ngunit darating ang panahon na ikaw ay magsisi dahil sa hindi mo ginawa ang iyong parte bilang isang mag-aaral. Kaya naman kinakailangan magsipag kahit na ikaw ay isang mag-aaral pa lamang ang susi o sagot sa ganitong problema ay laging isipin ang iyong motibasyon kung bakit ka nga ba nagaaral at bumabangon araw-araw upang ito ay iyong dalhin hanggang sa iyong pag tanda at ito ay magbubunga ng biyaya at magagandang epekto sa iyong buhay.
Narito ang mga ibang ideya na maaring mong basahin:
Comments
Post a Comment