Kabataan, Pag-Asa Na Ng Bayan?
Kabataan, pag-asa na ng bayan?
Ang puntong ito ay isa sa mga naging pahayag ni Dr. Jose P. Rizal. Ayon sa kanyang talumpati ang mga kabataan ay malaking tulong para sa bayan.
Totoo nga ba ito?
Maging totoo ito noon dahil ang mga kabataan noon ay masunurin sa mga magulang at madaling mautusan. Hindi mahirap pakiusapan sa mga bagay na dapat isaayos maging sa pagkilos na ikakabuti sa kapwa.
Ang mga kabataan noon ay napakagalang sa mga nakakatanda at napakasipag sa gawaing bahay lalo na takot gumawa ng masama sa kapwa, kung kayat nasasabi ng Dr. Rizal na itoy pag-asa talaga ng bayan.
Sa modernong panahon naman natin ngayon ay masasabi din nating maging pag-asa padin ng bayan ang mga kabataan dahil sa angat ng teknolohiya sa ngayon ay talagang kailangan sila sa mga bagong mga kagamitan dahil mas madali silang matuto kung ikukumpara sa mga kabataan noon.
Malaking pagkakaiba nga lang sa pag-uugali dahil napakahirap pakisamahan ng mga kabataan sa ngayon. Wala na ang dating magalang na salita at kung mang-uutos sa magulang ay parang sila yung boss nito.
Maging ang mga kabataan sa ngayon ay di na gaanong tumanaw ng utang na loob sa kanilang magulang maliban nalang sa mga maawain sa kanilang mga magulang.
Subalit hindi naman lahat ng kabataan ang nagpapakita ng di mabuting asal sa ngayon dahil mayroon din namang mga nagpapakita ng mabuting huwaran kung kayat pag-asa talaga sila ng bayan.
Karagdagang impormasyon ang mga link sa ibaba:
Comments
Post a Comment