Bilang Mag Aaral Sa Baitang 10 Paano Ko Mapapatatag Ang Mga Positibong Katangian Ko Na Magiging Capital Ko Amg Aking Pagharap Sa Mga Isyu Sa Paggawa?
bilang mag aaral sa baitang 10 paano ko mapapatatag ang mga positibong katangian ko na magiging capital ko amg aking pagharap sa mga isyu sa paggawa?
Para madevelope mo ang magagandang katangian na mapapakinabangan mo sa paggawa lalo na bilang mag-aaral, pwedeng mong subukan ang mga sumusunod.
MANALANGIN. Talagang mahirap para sa ating mga tao ang gumawa ng mabuti dahil hindi na tayo perfect. Pero kapag humihingi ka ng tulong sa Diyos na mabago mo unti-unti ang iyong sarili, talaga namang tutulungan ka nya dahil para kang anak na mapagpakumbabang humihingi ng tulong sa ama. Gusto niya ang ganoong uri ng personalidad kaya pagbibigyan ka niya.
MAG-ISIP NAGO GUMAWA. Magingat ka sa iyong mga salita at gawa. Alamin mo kung makakabuti ba ito at wala kang masasaktan. Dahil ang padalos-dalos na gawain ay pinagmumulan ng hindi pagkakaintindihan.
KUMILOS. Isabuhay mo ang mga pinanalangin mo dahil magiging bali wala ito kung walang mga pagsisikap na gumawa. Kapag mas lalo kang nagsisikap na gumawa ng mabuti, makakasanayan mo naman ito hanggang sa mas madali na sa iyo na natural na ipakita ito.
Kapag adulto ka na at lagpas na sa pagiging kabataan, ang lahat ng binanggit sa mga pangungusap na ito ay magiging kapaki-pakinabang na sa iyong personalidad. Kaya maging determinado ka na magsikap na isabuhay ang mga payong nabanggit. Hindi mo ito pagsisihan dahil makikinabang ka ng husto sa pagkakapit nito.
Comments
Post a Comment