Aral Sa Kabanata 17 Noli Merangere

Aral sa kabanata 17 noli merangere

Ang Kabanata 17 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa mag-iinang Sisa, Basilio, at Crispin.

Dito natin mababasa ang mga sumusunod na pangayayari:

  • Ang pagtangka ni Basilio na makauwi sa kanyang ina habang tumatakas sa mga paputok at paghabol ng mga Guwardiya Sibil.
  • Sa eksena sa kanilang tahanan, makikita na mas mangingibabaw pa rin ang malasakit ni Basilio para sa ina kaysa sa kanyang takot at iniindang sakit.
  • Dito ay mababasa rin natin ang kalupitan na dinadanas ni Sisa sa kamay ng kanyang malupit na asawa.
  • Ito rin ang kabanata kung saan nagpahaging tungkol sa kalupitang dinanas ni Crispin sa kamay ng Sakristan Mayor na nauwi sa kamatayan. Hindi ito tuwirang sinabi ngunit ito ay ipinahiwatig sa pamamagitan ng masamang panaginip ni Basilio.

Bilang mga kabataan at mag-aaral, may aral tayong mapupulot dito.

  1. Ang mundo na ating kinabubuhayan ay masasabing hindi makatarungan. Ang mga pagmamalupit, kasawian, paghihirap, at pasakit ay maaring danasin ninuman. Hindi ito namimili ng masasamang tao o umiiwas sa mga taong may mabubuting kalooban.
  2. Kung ikaw ay nasa isang kalagayang hindi makatarungan o hindi kanais-nais, hindi kasalanan o walang sinuman ang dapat makapigil sayo na mangarap at maghangad ng mas magandang buhay. At mula sa isang pangarap, kailangan mo ng masidhing kagustuhan upang makamit ito at gumawa ng kinakailangang mga hakbang at pagbabago sa iyong buhay upang matupad ang mga ito.
  3. Maaring hindi tayo mga kasing-yaman nina Ibarra at Maria Clara, ngunit marami rin tayong pwedeng ipagpasalamat sa buhay. Di tulad ng magkapatid na Crispin at Basilio, tayo ay mga nag-aaral sa eskwelahan sa halip na namamasukan sa mga malulupit na amo upang matustusan ang ating mga pangangailangan. Maaring ang mga magulang natin ay mas nakaangat sa buhay, maaring mayroon tayong mga magulang o guardian na nagmamalasakit at nag-aalaga sa atin, o maari din naman na tayo ay naninirahan sa isang tahanan kung saan nadarama natin na tayo ay ligtas at minamahal. Maari natin tignan ang mga positibong bagay na mayroon tayo na hindi dinanas o nagkaroon ang magakapatid na Crispin at Basilio.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Dumalaw Sa Gunita Ni Simuon Nang Siya Ay Makauwi Na?

Dito Sa Ating Bansa Ang Pagtataka Ng Paper Mache Making Ay Nag Simula Sa??, Ano Pleasseeeeee I Need Your Help Today!! Good Bless Thank So So Much God