Anong Nilalaman Ng Showcase
Anong nilalaman ng showcase
Ang mga Uri ng Pagtataya
1. Pagtatayang Pormal
Tanong: Ano na ang alam mo?
Mga Pormat
a) Tama-mali b) Multiple Choice Question/maraming pagpipiliang tanong c) Pagtatapat-tapat d) Paglalahad e) Standardized f) Norm-referenced g) Criterion-referenced
Mga Layunin
Karaniwang lapis at papel na pagsusulit, tinutulungan ang mga guro sa: a) Sumusukat sa natatamong kaalaman ng mga mag-aaral at inihahambing ang natamong ito sa kapwa mag-aaral at sa iba pang mag-aaral sa
district, division,
rehiyon o bansa. b) Ulat sa natamo ng mga mag-aaral para sa mga magulang at administrador. c) Ang resulta ng pagsusulit ay ginagamit para sa pagbuo ng mga polisi at paggawa ng mga desisyon sa pagtuturo at pagkatuto.
2. Alternatibong Pagtataya
Tanong: Ano ang magagawa mo?
Mga Layunin
Ang mga gawain ay halos malapit sa aktwal na mga sitwason ng buhay; nakatutulong sa mga guro upang: a) Makabuo ng isang komprehensibong paglalarawan ng bawat mag-aaral bilang
problem solver, critical thinker at acquirer of knowledge.
b) Mataya ang pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob ng isang panahong itinakda (isang araw o lingo o di kaya
nama'y ilang buwan).
Comments
Post a Comment