Anong Kahuluan Ng Tangkilikin
Anong kahuluan ng tangkilikin
Ang salitang tangkilikin ay nangangahulugan ng pagtatangi o pagpili sa isang partikular na produkto, serbisyo, tao, bagay o kalagayan pa nga kaysa sa iba pa. Kasingkahulugan ito ng pag-eendorso, pagpili o pagsuporta.
Halimbawang pangungusap: Tangkilikin natin ang sariling atin.
Paliwanag: Sinasabi nito na unahin nating bilhin ang produkto, piliin ang ating kultura at unahin ang ating bansa kaysa sa iba pang produkto at kultura ng ibang bansa.
Comments
Post a Comment