Sumulat ng 280 or more words ng imbensiyon na napabago ang bansa ANG TEKNOLOHIYANG LUBHANG NAKAPAGPABAGO SA MUNDO Ang pagbabago ay ang laging nagiging epekto ng teknolohiya. Ngunit mayroong ilang mga pagtutuklas at imbensyon ang higit na nakapag-iwan ng malalim na epekto kaysa sa iba. Ito ay ang mga imbensyon at pagtuklas na mabilis at radikal na nagpabago sa pamumuhay ng tao mula sa panahon na sila ay maipakilala hanggang ngayon. Ito rin ay ang mga teknolohiyang nagbigay-daan para sa ibang imbensyon at pagtuklas. Ang nasa ibaba ay ilan sa mga teknolohiya lubhang nakapagpabago sa mundo. Alamin kung paano nito mas napagaan ang buhay at nakapagpahusay ng mga gawain. Gulong (3200-3500 B.C.) Hindi natin alam kung sino ang pasasalamatan sa pag- imbento ng gulong, ngunit isipin kung ano ang magiging anyo ng mundo kung wala ito. Walang mga bisikleta, walang mga roller blades, walang mga kotse, at walang mga bus. Noon, ang tao ay naglalakad ng pagkahaba-habang distansya upang makarati